Tag-Init Na: Mga Tipid Hacks Para sa Summer Season
Ngayong tag-init, hindi lang init ang tumataas kundi pati gastos na rin. Alamin ang practical na tipid hacks para manatiling presko nang hindi lumolobo ang bills. Basahin ang buong article mula sa FINN.
Dumating na naman ang tag-init! Aminin man natin o hindi, mas mataas na gastos this time of the year mula sa kuryente hanggang sa araw-araw na bili ng malamig na inumin. Pero hindi ibig sabihin kailangan mong gumastos nang sobra para lang maging comfortable. Narito ang ilang praktikal at madaling gawin na tipid hacks ngayong summer.
Special offer: Sagutan ang aming financial quiz sa https://forms.gle/LPP8fhQt7uJwBJbw9 for a chance to win ₱150 credits!
1. I-optimize ang paggamit ng aircon
Hindi kailangang buong araw naka-aircon para lang maging presko. Mas tipid kung gagamitin ito nang strategic: i-set sa 24–26°C (hindi sobrang lamig pero sapat na), at sabayan ng electric fan para mas mabilis mag-circulate ang hangin. Pwede mo ring gamitin ang timer (2–4 hours), lalo na sa gabi, at mag-switch na lang sa fan habang tulog.
2. Iwasan ang paglabas ng lamig sa kwarto
Siguraduhing sarado ang pinto at bintana kapag naka-aircon para hindi sayang ang lamig. Gumamit din ng makapal na kurtina o blackout curtains para mabawasan ang init na pumapasok sa araw; mas kaunting effort ang kailangan ng aircon para palamigin ang space.
3. Bawasan ang strain sa refrigerator
Sa sobrang init, mas napapadalas ang pagkuha ng malamig na tubig o pagkain. Pero bawat bukas ng ref ay nagpapapasok ng init. Para makatipid sa kuryente, planuhin na agad ang kukunin bago buksan ang ref, at siguraduhing maayos ang pagkakasara nito.
4. Maghanda ng sariling malamig na inumin
Ang araw-araw na pagbili ng iced coffee, milk tea, o softdrinks ay mabilis makadagdag sa gastos. Mas practical kung mag-stock ka ng yelo at gumawa ng sariling drinks sa bahay tulad ng iced tea, kape, o fruit-infused water. Mas mura na, mas controlled mo pa ang ingredients.
5. I-adjust ang paggamit ng heat-generating appliances
Ang plantsa, kalan, at oven ay dagdag init sa bahay. Kung kaya, gamitin ang mga ito sa umaga o gabi kung kailan mas malamig ang paligid. Hindi lang ito makakatulong sa comfort mo mas efficient din ang paggamit ng energy.
6. Piliin ang tamang damit at higaan
Minsan, hindi mo kailangan dagdagan ang appliances, kailangan mo lang ng tamang materials. Gumamit ng breathable fabrics tulad ng cotton para sa damit at bedsheets. Mas presko ito sa pakiramdam, kaya hindi mo kailangang mag-aircon nang matagal.
7. Maglaan ng budget para sa summer utilities
Mag-set ng realistic budget para sa kuryente para hindi ka mabigla. Mas mabuti nang prepared kaysa mag-adjust bigla sa ibang expenses.
Sa huli, ang goal ay hindi lang magtipid, kundi maging mas intentional sa paggamit ng pera at resources. Sa simpleng pagbabago ng habits, pwede mong ma-enjoy ang summer nang hindi lumolobo ang gastos.
Habang may mga bagay na hindi natin kontrolado, tulad ng panahon, marami pa ring practical na paraan para maging mas efficient sa paggamit ng pera at resources. Sa pamamagitan ng simpleng pag-adjust sa daily habits, mas nagiging manageable ang expenses at mas nagiging sustainable ang lifestyle mo kahit sa pinakamainit na buwan ng taon.
Bottomline
Sana nakatulong ang article na ito para mabigyan ka ng mga praktikal na ideya kung paano makakatipid ngayong summer. Sa simpleng adjustments sa araw-araw mula sa paggamit ng appliances hanggang sa pag-control ng impulse spending, malaki ang pwedeng maitulong nito para mapanatiling manageable ang gastos. At kung kulangin pa rin sa cash kahit nakakatipid ka na, maaari mong gamitin ang salary advance feature ng FINN para makatulong sa short-term cash gaps.
Please visit our website: https://app.finn-app.com/landing-ph Kasalukuyang available ang FINN app sa Google Play Store, at magiging available soon sa iOS.