Rainy Season Na! May Rainy Day Fund Ka Na Ba?

May emergency fund ka na, pero handa ka rin ba sa mga maliliit at hindi inaasahang gastusin sa araw-araw? Alamin kung ano ang rainy day fund at kung paano ito makakatulong na protektahan ang iyong budget mula sa mga financial surprises.

Share
Rainy Season Na! May Rainy Day Fund Ka Na Ba?

Kapag pinag-uusapan ang financial preparedness, madalas nating naririnig ang tungkol sa emergency fund. Ito ang perang nakalaan para sa mga malalaking financial setbacks tulad ng pagkawala ng trabaho, medical emergencies, o major home repairs.

Pero alam mo bang may isa pang uri ng savings na maaaring makatulong sa iyong araw-araw na budget, lalo na ngayong tag-ulan? Ito ang tinatawag na rainy day fund.

Special Offer: Sagutan ang aming financial quiz sa  https://forms.gle/iTCCv8xHt2zzKzqD6 for a chance to win ₱150 credits!

Rainy Day Fund vs Emergency Fund: Ano ang Pagkakaiba?

Maraming tao ang pamilyar sa konsepto ng emergency fund; isang savings fund na nakalaan para sa major financial emergencies tulad ng job loss, hospitalization, o malaking home repairs.

Ang rainy day fund naman ay para sa mas maliliit at mas common na unexpected expenses. Ito ang perang nakatabi para sa mga gastos na hindi mo man inaasahan, pero hindi naman sapat para ituring na financial emergency.

Halimbawa sa panahon ng tag-ulan, maaaring kabilang dito ang pagbili ng bagong payong, extra transportation costs, gamot para sa sipon o ubo, o minor home repairs dahil sa leaks at iba pang weather-related issues. Hindi man kalakihan ang bawat expense, maaari pa rin silang makaapekto sa iyong monthly budget kapag sabay-sabay silang dumating.

Sa madaling salita, ang emergency fund ay para sa major life events, habang ang rainy day fund ay para sa mga everyday surprises at short-term expenses na maaaring maka-disrupt sa iyong cash flow.

Bakit Mahalaga ang Pagkakaroon ng Iba't Ibang Uri ng Savings Funds?

Maraming tao ang may savings account, ngunit hindi lahat ay may malinaw na purpose para sa perang kanilang iniipon. Kapag iisang fund lang ang ginagamit para sa lahat ng financial goals at unexpected expenses, mas nagiging mahirap gumawa ng financial decisions kapag may biglaang pangangailangan.

Kapag walang hiwalay na pondo para sa mga ganitong sitwasyon, madalas na nagagamit ang emergency fund para sa mga gastos na hindi naman talaga emergency. Sa paglipas ng panahon, maaaring unti-unting mabawasan ang perang nakalaan para sa mas malalaking financial challenges.

Ang pagkakaroon ng iba't ibang savings funds ay nakakatulong na magkaroon ng mas malinaw na purpose ang bawat bahagi ng iyong ipon. Hindi lamang nito pinapadali ang pagba-budget, nakakatulong din itong maprotektahan ang mga savings na nakalaan para sa mas mahahalagang financial goals.

Magkano ang Dapat Nasa Rainy Day Fund?

Walang fixed amount na dapat sundin pagdating sa rainy day fund. Ang ideal na halaga ay depende sa iyong lifestyle, responsibilities, at mga posibleng unexpected expenses na maaaring harapin.

Ang magandang approach ay magsimula sa kung ano ang kaya ng iyong budget at gawing consistent ang pag-iipon. Makakatulong din na ituring ang rainy day fund bilang safety net para sa mga biglaang sitwasyon; kapag mga gastos na hindi naman emergency pero hindi rin pwedeng ipagpaliban. Kapag may nakahandang pondo, mas madaling harapin ang mga financial surprises nang hindi naaapektuhan ang iyong day-to-day budget.

Sa huli, ang goal ng rainy day fund ay hindi lang tungkol sa savings. Ito rin ay tungkol sa pagkakaroon ng peace of mind at mas malaking financial flexibility kapag may mga hindi inaasahang gastos na dumating.

Bottomline

Hindi kailangang hintayin ang isang malaking emergency bago magsimulang maghanda financially. Sa maraming pagkakataon, ang mga simpleng gastos tulad ng dagdag na pamasahe, gamot, o minor repairs ang maaaring magdulot ng pressure sa monthly budget kapag hindi napagplanuhan.

Ang pagkakaroon ng rainy day fund ay isang simpleng paraan upang mas maging handa sa mga everyday surprises ng buhay. At kung sakaling magkaroon ng short-term cash gaps habang inaayos ang iyong budget, maaaring makatulong ang FINN App at ang salary advance service nito para magkaroon ng mas flexible na cash flow habang hinihintay ang susunod na sweldo.

Available na ang FINN App sa Google Play Store, at coming soon na rin sa iOS.