“Deserve Ko ‘To” Mentality: Kailan Ito Okay at Kailan Delikado?
Minsan okay lang mag-reward sa sarili, pero minsan baka “deserve ko ’to” mindset na ang dahilan kung bakit nasisira ang budget mo nang hindi mo napapansin. Alamin kung kailan ito healthy at kailan ito nagiging delikado sa finances mo.
Pagkatapos ng stressful na trabaho, overtime, o sunod-sunod na responsibilidad, normal lang na gustuhin mong i-reward ang sarili mo. Minsan, simpleng online shopping checkout, comfort food, bagong gadget, o spontaneous na gala lang para gumaan ang pakiramdam at ma-feel mo na deserve mo rin namang i-enjoy ang pinaghirapan mo.
Wala namang masama sa pag-treat sa sarili. Pero may difference between rewarding yourself responsibly at paggamit ng gastos bilang panandaliang takas sa stress o pressure. Kaya importante ring malaman kung kailan healthy ang “deserve ko ‘to” mentality at kailan ito pwedeng maging dahilan ng financial stress.
Special offer: Sagutan ang aming financial quiz sa https://forms.gle/yBhAga9HjwA5Cqgy7 for a chance to win ₱150 credits!
Kailan okay ang “deserve ko ‘to”?
Kung bayad naman ang bills, may natitira pang budget, at hindi maaapektuhan ang essentials mo, walang masama sa pag-spoil sa sarili paminsan-minsan lalo na kung reward talaga ito after hard work. Importante rin ang small rewards para maiwasan ang burnout dahil kapag puro responsibilities at puro tipid lang, madaling mapagod mentally at emotionally.
Hindi rin kailangang sobrang mahal ng reward para ma-enjoy mo ang pinaghirapan mo. Minsan, sapat na ang comfort food, movie night, bagong damit, self-care day, o simpleng pahinga over the weekend. Ang importante ay naeenjoy mo ang pera mo nang hindi inilalagay ang sarili mo sa mas stressful na financial situation later on. For as long as planned at kaya ng budget mo, hindi kailangang alisin lahat ng enjoyment sa buhay para lang masabing financially responsible.
Kailan ito nagiging delikado?
Nagiging delikado ang “deserve ko ‘to” mentality kapag nagiging dahilan na ito para sa impulsive spending o paggastos beyond your means. Minsan, hindi na talaga kailangan ang binibili; nagiging emotional reaction na lang ito sa stress, pagod, pressure, o frustration. Yung tipong napapa-checkout ka para gumaan ang pakiramdam kahit alam mong may paparating pang bills o kulang na ang budget mo hanggang next payday.
Sa simula, parang maliit lang naman ang gastos. Pero kapag paulit-ulit itong nangyayari, unti-unti itong pwedeng magdulot ng financial stress. Minsan, yung temporary happiness pagkatapos bumili napapalitan agad ng guilt, anxiety, o pag-aalala kung paano pagkakasyahin ang natitirang pera. Kaya importante ring maging honest sa sarili kung ang paggastos ba ay reward talaga, o panandaliang escape lang mula sa stress at responsibilities.
Paano magkaroon ng balance?
1. Maglaan talaga ng budget for “wants”
Mas sustainable ang budgeting kapag may nakalaan talagang amount para sa sarili mong enjoyment. Kahit maliit lang kada sweldo, malaking tulong na may “fun budget” ka para hindi mo nararamdamang deprived ka all the time. Kapag planned ang paggastos, mas nae-enjoy mo rin ito dahil alam mong hindi mo nagagalaw ang pambayad sa bills, groceries, o other essentials.
2. Huwag iasa sa future sweldo ang current spending
Isa sa pinaka-common na dahilan ng financial stress ay paggastos base sa perang hindi pa dumarating. Yung mindset na “babawiin ko na lang sa next sweldo” o “okay lang, sasahod naman.” Mas okay pa rin na mag-spend within your means at i-base ang budget sa perang meron ka ngayon kaysa sa income na hinihintay mo pa lang.
3. Tandaan na hindi lahat ng self-care kailangang magastos
Minsan, ang kailangan mo talaga ay pahinga at hindi panibagong gastos. Madaling ma-associate ang self-reward sa shopping o eating out, pero maraming ways para alagaan ang sarili without overspending. Kapag natutunan mong hindi laging tied sa spending ang reward system mo, mas nagiging balanced din ang relationship mo with money.
Bottomline
Sana nakatulong ang article na ito para mas maintindihan kung kailan healthy ang “deserve ko ‘to” mentality at kung paano magkaroon ng mas balanced na relationship with spending. Walang masama sa pag-reward sa sarili, lalo na pagkatapos ng pagod at hard work, pero importante ring siguraduhin na hindi naaapektuhan ang budget at financial responsibilities mo.
At kung kailangan mo ng extra flexibility para ma-manage ang short-term cash gaps bago payday, maaari mong gamitin ang salary advance feature ng FINN App para makatulong sa immediate financial needs.
Kasalukuyang available ang FINN app sa Google Play Store, at magiging available soon sa iOS.