Wala kang pambayad sa kuryente o tubig? Ano ang dapat gawin?
Kapos ang budget pamabyad ng kuryente o tubig? Alamin kung ano ang puwede mong gawin para mas ma-manage ang ganitong sitwasyon.
Wala kang pambayad sa tubig at kuryente. Ano ang dapat gawin?
Pwede bang ma-delay ang bayad sa tubig at kuryente, at hanggang ilang buwan?
Mapuputulan ba agad kung hindi makabayad?
At kung naputulan na, ano ang dapat gawin? Pwede bang humiling ng installment o hulugan ang bayad?
Lahat tayo may buwan na gipit. Yung tipong sabay-sabay ang bayarin, at biglang kulang ang pera pambayad ng tubig o kuryente. Pero kung wala talagang pera at wala ring ipon na madudukot, ano ang dapat gawin? Pwede bang hulugan? Mapuputulan ba agad?
Heto ang sagot ng FINN. Basahin mo para alam mo ang puwedeng gawin sa ganitong sitwasyon.
Ilang Buwan Ka Pwedeng Hindi Magbayad ng Tubig?
Depende ito sa provider mo. Sa karaniwan, kapag higit sa isang buwan ka nang hindi nakapagbayad ng tubig, magpapadala sila ng paalala o notice para bayaran ito. Kapag lumagpas pa sa due date, maaaring maputulan ng supply.
Kung gipit ka, makipag-ugnayan agad sa provider para humingi ng palugit o installment plan. Mas mainam ito kaysa hintaying maputulan.

Ilang Buwan Ka Pwedeng Hindi Magbayad ng Kuryente?
Ganoon din sa kuryente. Kapag lagpas isang buwan kang hindi nakabayad, magpapadala ng notice of disconnection.
Kung hindi mo pa rin mabayaran at walang abiso mula sa’yo, puwedeng maputulan ng kuryente sa susunod na billing cycle.
Kaya kung gipit ka, makipag-ugnayan agad sa Meralco o sa local electric coop mo. May mga programang nagbibigay ng palugit o installment lalo na kung may biglaang problema sa pera.
Wala Talagang Pambayad. Ano ang Dapat Gawin?
Kung wala ka talagang pambayad, ’wag kang manahimik lang.Tumawag o pumunta agad sa ahensiyang nagbibigay ng serbisyo. Ipaliwanag ang sitwasyon mo. Madalas, meron silang relief o installment programs para sa mga customer na may temporaryong problema sa pera.
At syempre, planuhin na rin ang monthly budget para maiwasan ang ganitong sitwasyon sa mga susunod na buwan.

Mapuputulan Ba Agad?
Hindi naman agad-agad.Karaniwan, magpapadala muna ng notice kapag may isang buwan kang hindi nakabayad. Kapag hindi mo pa rin nabayaran sa due date, saka lang puwedeng putulin ang serbisyo.
Naputulan na. Anong Dapat Gawin?
Una, alamin muna kung magkano ang total balance mo.Pagkatapos, bayaran agad ang utang at kontakin ang service provider para sa reconnection.Maaaring may reconnection fee, depende sa kompanya.
Kung hindi mo pa kaya bayaran nang buo, itanong kung pwede kang maghulugan o mag-apply ng payment extension.

Pwede Bang Hulugan ang Bayad sa Tubig at Kuryente?
Oo!Karamihan sa mga kumpanya tulad ng Meralco at mga water providers ay may installment program para sa mga customer na hirap magbayad.Pero kailangan mo makipag-ugnayan bago ang due date para hindi ka maputulan o mapatawan ng dagdag na bayad.
Gipit Ka at May Buwanang Bayarin?
Kung kailangan mong bayaran agad ang tubig o kuryente pero wala ka pang pera, huwag mag-panic. Pwede mong i-consider ang FINN. Kunin mo ang advance sa sahod mo para ma-settle ang bills mo agad. Hindi mo kailangang umutang o magpa-interview. Sahod mo lang ang ginagalaw mo.
https://app.finn-app.com/landing-ph