Paano Maiiwasan Ang Pagiging Biktima ng Love Scam

Sa blog na ito, pag-uusapan natin kung paano nangyayari ang love scams at kung ano ang mga dapat bantayan para hindi ka maloko.

Paano Maiiwasan Ang Pagiging Biktima ng Love Scam

Parami nang parami ang mga Pinoy na nabibiktima ng love scams. In fact, noong 2024, nag-rank ang Pilipinas sa 7th place worldwide pagdating sa dami ng mga individuals at groups na posibleng konektado sa ganitong uri ng panloloko. Kaya sa panahon ngayon, napakahalaga na maging alerto at ma-alam kung paano gumagana ang ganitong modus.

Ano ang love scam?

Ang love scam ay isang uri ng online fraud kung saan ang scammer ay gumagawa ng pekeng relasyon o emotional connection para makahingi ng pera. Sa umpisa, mabait at parang totoong kaibigan o ka-partner ang kausap mo. Kapag nakuha na nila ang tiwala mo, hihingi sila ng pera na itatakbo nila, at hindi na sila muling mako-contact pa. Kaya bukod sa pera, madalas emotional din ang epekto nito sa biktima.

Mga signs na love scammer ang kausap mo

  • May fake profile o identity – Gumagamit sila ng pictures na hindi kanila. Madalas mukhang “foreign” o mayamang professional, para paniwalaan mo na legit sila.
  • Mabilis magbuild emotional connection – Parang kilala ka na nila nang ilang taon kahit na kilala mo pa lang sila ilang araw
  • Unti-unting humihingi ng pera – Sa umpisa maliit lang amount ng pera na hinihingi nila, at palaki ito nang palaki habang tumatagal
  • Gagawa ng emergency excuse –  Lagi silang may dahilan tulad ng biglaang gastusin sa ospital, biyahe, o problema sa pamilya, para mapilitan kang magpadala ng pera

Tips para hindi mahulog sa love scam

  • Check social profiles – May feature ang Google na tinatawag na reverse image search kung saan pwede mong i-plug ang profile picture at iba pang pictures ng kausap mo para ma-verify kung account nga nila ito at hindi peke at nakaw lang ang identity nila.
  • Magrequest ng live video call — Isa ito sa pinakamadaling paraan para makita mo talaga ang kausap at makasiguro tungkol sa totoong identity nila.
  • Huwag magmadali — Mag-ingat sa mga taong masyadong mabilis mag-express ng pagmamahal ("love bombing") o nagmamadali sa relasyon.
  • Protect your personal info – Huwag basta ibigay ang bank account, passwords, o ibang personal na impormasyon sa online friends kahit gaano ka-close sa kanila.
  • Huwag magpadala ng pera – Huwag magbigay ng pera o regalo sa taong hindi mo pa personal na kilala, kahit may sinasabi silang emergency.

May duda ka na love scammer ang kausap mo. Anong dapat gawin?

  • Itigil ang komunikasyon – I-block agad sila sa lahat ng apps o social media para hindi ka na nila ma-contact.
  • Mag-report sa platform at awtoridad – I-report ang scam sa dating app, Facebook, o social media, at sa PNP Anti-Cybercrime Group o ibang ahensya na tumutok sa fraud.
  • Mag-report sa bangko – Kung nakapagpadala ka na ng pera, agad sabihin sa bangko para subukan nilang ihinto ang transaction o mabawi ang pera.
  • I-save ang ebidensya – Mag-save ng kopya ang chat, transaction, screenshots, at ibang detalye para may patunay kung kailangan sa police report.

Bottomline

Ang love scam ay pwedeng mangyari sa kahit sino. Kaya pinakamahalaga ang pagiging alerto; huwag basta-basta magtiwala sa online friends, at laging i-verify ang identity ng kausap mo. Tandaan, mas mahalaga ang security mo kaysa sa sinasabing emergency o pangakong pagmamahal online.

Sana nakatulong ang article na ito para maging protektado ka laban sa love scams. For more tips o kung gusto mong gamitin ang aming salary advance service, please visit our website https://app.finn-app.com/landing-ph Kasalukuyang available ang FINN app sa Google Play Store, at magiging available soon sa iOS.