New Year, New Goals: Paano Mas Mapapabuti ang Finances Mo sa 2026?
Kasama ba sa New Year’s resolutions mo ang mas pagbutihin ang finances mo? Alamin kung paano mo mai-improve ang financial situation mo ngayong 2026 gamit ang ilang practical tips mula sa FINN.
Habang iniisip natin ang health, career, at personal growth, hindi rin dapat makalimutan ang financial wellness! With the right mindset at kaunting tulong mula sa financial tools tulad ng FINN, pwede mong gawing mas kontrolado at mas maayos ang finances mo ngayong taon.
Hindi nawawala ang usapang New Year’s resolutions pag January na. Madalas naghahanap tayo ng pampaswerte, pero pagdating sa pera, hard work at tamang planning ang kailangan. Kung gusto mong mas maging proactive pagdating sa pera ngayong 2026, narito ang ilang tips para maging realistic at achievable ang financial resolutions mo.

1. I-track at i-plan ang budget mo
May sinusunod ka bang budget? Kung wala pa, magandang unahin mo ito. Alamin mo kung saan nga ba napupunta ang pera mo mula sa bills, groceries, savings, hanggang discretionary spending. Kapag may clear budget ka, mas madali mong ma-prioritize kung ano ang dapat bayaran muna, saan ka pwedeng makatipid, at paano ka makakaipon para sa future.
2. Prioritize essentials before anything else
Minsan, mabilis maubos ang sahod kasi hindi tama ang priorities natin. Bago gumastos para sa hobbies, online shopping, pagkain sa labas, o travel, siguraduhing may naitabi ka na para sa rent, bills, groceries, at iba pang essentials para mas ma-maximize mo ang sahod mo.
3. I-adjust ang budget every month
Hindi pare-pareho ang gastos every month, kaya mahalagang i-review at i-adjust ang budget kung kailangan. I-check kung aling category ang pwedeng bawasan or dagdagan para mas flexible at realistic ang plano mo. Halimbawa, yung natipid mo sa pamasahe o groceries this month, pwede mong idagdag sa savings, emergency funds, at future goals.
4. Iwasan ang impulsive spending
Sa dami ng sale online at sa mall, talaga namang “budol is real". Pero hindi lahat ay worth the expense, lalo na kung hindi mo naman kailangan ito. Kung hindi naman urgent, bigyan mo muna ng 1–2 days ang sarili mo para pag-isipan kung kailangan mo ba talaga o kung yung pera na yun ay mas okay ilagay muna sa savings this month. Kahit gaano pa kamura, malaki pa rin ang halaga ng isang item kung hindi mo naman talaga ito kailangan.

5. I-monitor ang iyong progress
Kapag may budget ka nang sinusundan, i-check mo rin kung kumusta ang progress mo every month. Ano ang nagwork at hindi last month? Ano pa ang pwede mong gawin para ma-improve ang progress mo sa mga susunod pang buwan? This way, mas maintindihan mo ang spending patterns mo, at may space ka rin to celebrate your wins.
6. Huwag mahiyang humingi ng tulong o advice
Kung nahihirapan ka na sa budgeting at paghawak ng pera, pwede kang humingi ng guidance sa family at friends mo. Pwede ka ring sumali sa communities o forums para magtanong at matuto mula sa experiences ng iba. At the end of the day, hindi mo kailangan gawin lahat ito nang mag-isa. Okay lang humingi ng tulong! Ipinapakita lang nito kung gaano ka ka-committed na matuto at mag-improve sa finances mo.
7. Gumamit ng tools at resources na makakatulong sa’yo
Bukod sa family, friends, at online communities, maraming tools at resources ang available online na makakatulong sa’yo sa budgeting, savings, at smart spending. Nasa sa’yo na kung paano mo sila gagamitin para mas maging confident ka sa financial decisions mo at umangat ang financial situation mo.
At para sa mga biglaang gastusin o emergency, pwede mong subukan ang FINN app https://app.finn-app.com/landing-ph. Isa sa core features nito ay ang Advance Sahod kung saan pwede mong matanggap ang bahagi ng sahod mo nang mas maaga, kahit hindi pa araw ng sweldo mo. Hindi ito tulad ng traditional na loan o utang, dahil pera mo ito na kinita mo na. Pwede kang mag-advance ng hanggang ₱10,000 depende sa eligibility mo, at pwede mong bayaran ito sa araw ng sweldo mo.
Ang FINN app ay walang hidden fees, may fast approval process, at SEC-registered kaya siguradong secure at hassle-free ang paggamit mo.
Bottomline
Ang financial wellness ay hindi nangyayari overnight. Pero sa tamang habits, mindset, at kaunting tulong mula sa mga tools tulad ng FINN, pwede mong gawing mas kontrolado at planado ang pera mo ngayong taon. Start with baby steps, maging consistent, at i-manifest ang 2026 na puno ng financial achievements. https://app.finn-app.com/landing-ph
Kasalukuyang available ang FINN app sa Google Play Store, at magiging available soon sa iOS.