Alam mo ba? Yung paggastos ng sobra minsan, hindi lang basta ugali. Pwedeng sign na rin ‘yan ng mental health condition mo.
Ano ang shopaholism? Ano ang mga negatibong epekto nito? At puwede ba itong magamot? Alamin din ang mga posibleng treatment options. Kasama rin sa summary na ito ang ilang senyales na maaaring indikasyon na isa kang shopaholic — mula sa FINN.
Yung pagiging magastos minsan, hindi lang dahil sa kakulangan sa disiplina o simpleng ugali lang. Puwede rin kasi itong sign ng mental health issue mo!
Did you know?
Sa panahon ngayon na isang tap lang sa phone bayad na agad, madali talagang mapadalas ang labas ng pera.Minsan nga, ‘di mo namamalayan, lumobo na yung credit card bill o kaya naman naipon na pala ang utang.
Kadalasan, iisipin natin na normal lang ‘yan! Baka magastos lang talaga o kulang sa disiplina sa pera.Pero, wait lang!May mga pagkakataon na yung paggastos ng sobra ay hindi lang tungkol sa habits mo…Puwede rin pala itong may kinalaman sa mental health mo.
Kaya sa article na ‘to, ipapaliwanag ng FINN para mas maintindihan:- Ano ba talaga ang “paggastos ng sobra”?- At paano ito konektado sa mental health natin?Plus, tatalakayin din natin ang ilang mental health conditions na pwedeng maging ugat ng ganitong ugali para mas madali mong ma-observe ang sarili mo at ma-adjust kung kailangan.
Ano nga ba ang paggastos nang sobra?
Simple lang. Ito yung gumagastos ka ng lampas sa kaya mong bayaran.Puwede dahil:
- sobrang gamit ng credit card,
- umutang nang walang planong magbayad agad,
- o yung madalas lang talagang bumibili ng kung anu-ano kahit di kailangan.
Hindi naman agad-agad ‘to nangyayari. Usually, unti-unting nabubuo hanggang sa maging chronic problem.At madalas, ‘di natin napapansin na may mas malalim na dahilan pala sa likod nito.Akala mo lang “reward ko ‘to sa sarili ko,” pero pagtingin mo sa statement — boom, may bagong utang ka na naman.
Totoo ba, may kinalaman sa mental health ang paggastos ng sobra?
Yes, totoo ‘yan.Ayon sa mga expert, ang paulit-ulit na overspending na hindi mo na makontrol, minsan ay symptom na ng mental health condition.
Halimbawa:
- May mga taong stressed o depressed, at ginagamit ang shopping bilang coping mechanism.
- Bumibili para ma-comfort ang sarili, o makalimot sa lungkot.
- Yung iba naman, gusto lang maramdaman na “okay pa rin ako” kahit deep down, pagod o empty.
So hindi lang ‘yan tungkol sa pagiging magastos. Kundi may pinaghuhugutan sa loob na dapat ding alagaan.

Mga mental health issues na puwedeng konektado sa overspending:
Bipolar Disorder Kapag nasa “high” mood o manic phase, sobrang energetic at impulsive.Diyan pumapasok yung biglang gastos nang walang plano. Bili dito, invest doon. Tapos magsisisi na lang pag kalmado na ulit.
Compulsive Buying Disorder (CBD) Ito naman yung mga taong bili nang bili kahit walang pera o hindi kailangan.Ginagawa nila ito para maibsan ang stress, pero pagkatapos, guilt na naman.Cycle siya na mahirap putulin.
Depression Kapag mababa ang self-esteem o laging malungkot, minsan shopping ang pampasaya kahit saglit lang.Pero after a while, balik na naman sa lungkot. Plus, dagdag stress pa dahil sa gastos.
Impulse Control Disorder (ICD) Ito yung mga taong hirap magpigil ng urge.Alam nilang mali o delikado, pero di mapigilan ang sarili na gumastos.

Mga senyales na baka konektado sa mental health ang paggastos mo
- Bumibili kahit wala kang budget
- Laging overspent ang credit card
- Paulit-ulit umutang kahit nahihirapan nang magbayad
- Laging nagsisisi pagkatapos gumastos
- Pero kahit gano’n… inuulit pa rin
Kung ikaw ‘to o may kakilala kang ganito, baka time na para kumonsulta sa professional — psychologist o psychiatrist — para matulungan kang maintindihan ang ugat ng behavior mo.
Remember: di mo maaayos ang pera mo nang pangmatagalan kung di mo aayusin ang root cause.

Paano mo maaayos ang problema sa paggastos ng sobra
- Gumawa ng monthly budget.Ilista lahat ng gastos at kita para alam mo kung saan napupunta pera mo.
- Pahingahin muna ang credit card.Kung lagi kang overspent, try muna gumamit ng cash o debit.
- Mag-set ng goals.Halimbawa: makabayad ng utang sa loob ng 6 months, o makapag-ipon ng emergency fund.
- 5-minute rule bago bumili.Bago i-checkout, tanungin ang sarili: “Kailangan ko ba talaga ‘to?” “May pera ba ako para dito?”
- Kausapin ang expert.Kung paulit-ulit na, baka kailangan mo ng financial o psychological guidance.
Bottom line
Minsan, ang paggastos ng sobra hindi lang problema sa wallet, kundi sa well-being din.Kaya maganda na sabay mong inaalagaan ang mental health at financial health mo.
At kung sakaling may biglaang gastos na kailangan bayaran, wag ka munang mag-panic o umutang kung saan-saan. Pwede mong gamitin ang salary advance mo sa FINN para hindi masira ang budget mo, at mapanatiling healthy ang pera at isip mo.