Humihingi si Mama at Papa ng pera, pero wala akong maibigay: Ano ang dapat kong gawin?
Minsan nakakabigat ng loob kapag humihingi ng tulong sa pamilya pero wala kang maibigay. Alamin kung paano maging maayos ang usapan at paano ma-manage ang biglaang emergency na kailangang bayaran.
Kung wala akong maibigay, ibig bang sabihin ay wala akong utang na loob?
At kung madalas nila akong hingan hanggang sa maapektuhan na ang finances ko, ano ang pwede kong gawin?
Paano ba mag-refuse nang maayos kapag humihingi ng pera sina Mama at Papa?
Sa panahon ngayon na ang taas ng bilihin at ang daming gastos tulad ng bahay, kotse, utang, at pang-araw-araw na kailangan, normal lang na kung minsan ay kapos tayo sa pera. Kaya kapag si Mama o Papa humihingi ng tulong pero wala tayong maibigay, nakaka-pressure talaga. Nakakaramdam tayo ng guilt kasi parang hindi natin natutulungan ang magulang natin, pero sa totoo lang, minsan wala talaga tayong kapasidad.
So, ano nga ba ang dapat gawin kapag humihingi ng pera sina Mama at Papa, pero hindi tayo makapagbigay? Heto ang mga payo ni FINN para sa ganitong sitwasyon.
Ano ang dapat gawin kapag humihingi ng pera sina Mama at Papa?
May iba’t ibang dahilan kung bakit humihingi ng pera ang magulang. Baka may kailangan bayaran, kulang sa income, o nakasanayan lang nilang humingi. Ang mahalaga ay:
1. Pakinggan muna ang dahilan.Subukang intindihin kung bakit sila humihingi. Baka panggamot, pambayad ng bills, o may utang na kailangang bayaran.
2. I-check ang financial situation mo.Tingnan kung hanggang saan ang kaya mo. Makakatulong ka ba nang hindi naaapektuhan ang sarili mong gastos at bills?
3. Magtakda ng malinaw na budget.Kung kaya mo namang tumulong, mag-set ng specific amount kada buwan at ipaliwanag sa kanila. Para may limit at hindi masira ang budget mo.

Pero paano kung wala ka talagang maibigay?
Kapag wala ka talagang maibigay, huwag agad mag-guilty. Ang pwede mong gawin ay:
1. Magpakatotoo.Sabihin nang maayos na hindi mo pa kaya ngayon. Baka delayed ang sahod, may utang ka rin, o kulang talaga ang budget.
2. Tumulong sa ibang paraan.Halimbawa, imbes na magbigay ng cash, ikaw na lang ang bumili ng gamot, mag-asikaso ng kailangan nila, o tumulong sa gawaing bahay.
3. Magplano kasama sila.Pwede kayong mag-usap tungkol sa gastos at maghanap ng paraan para mas maging magaan ang sitwasyon tulad ng paghahanap ng extra income.
4. Gamitin ang salary advance kung talagang emergency.Kung urgent talaga, pwede kang mag-advance ng sahod gamit ang FINN. Walang utang, walang hassle.
Kapag hindi ka nakapagbigay, ibig bang sabihin wala kang utang na loob?
Hindi ibig sabihin na hindi ka nagbibigay ng pera, e wala ka nang respeto o pagmamahal sa magulang mo. Ang pagiging gateful o may utang na loob hindi lang nasusukat sa pera. Pwede mo pa rin itong ipakita sa iba’t ibang paraan tulad ng pag-aalaga, pakikipag-usap, pagtulong sa gawaing bahay, o simpleng pagtanong kung kamusta sila.
Ang mahalaga ay may malasakit ka, kahit hindi laging sa pamamagitan ng pera.
Dapat bang laging bigyan kapag humihingi si Mama o Papa?
Depende. Narito ang dalawang sitwasyon:
✅ Bigyan, kung kaya mo.Kung hindi ka naman maaapektuhan financially, okay lang tumulong. Isa ‘yan sa paraan ng pagtanaw ng utang na loob.
❌ Huwag pilitin, kung labas na sa budget.Pero kung kailangan mong mangutang o mapapahamak ang sarili mong finances, okay lang tumanggi. Sabihin mo lang nang maayos at may respeto.

Bakit humihingi ng pera sina Mama o Papa pag tumanda?
Maraming dahilan, minsan kasi:
- Wala nang income matapos magretiro.
- Lumaki ang gastos sa kalusugan.
- May mga utang na naiwan noon.
- Nakasanayan na umasa sa anak.
Iba-iba ang sitwasyon ng bawat pamilya, kaya mahalaga ang bukas na pag-uusap.

Paano kung madalas na silang humihingi hanggang naaapektuhan na ang finances mo?
1. Mag-open up ng maayos.Sabihin ang totoo tungkol sa sitwasyon mo.
2. Magtakda ng limit.Pwede mong sabihing tutulong ka lang sa mga talagang kailangan o may limit kada buwan.
3. I-encourage silang magkaroon ng sariling income.Kung kaya pa, baka pwede silang magkaroon ng small sideline para may dagdag kita.
Paano maayos na tumanggi kapag humihingi ng pera sina Mama at Papa?
- Gumamit ng magaan at mahinahong tono. Ipaliwanag nang tapat kung bakit hindi mo kaya ngayon.
- Mag-offer ng tulong na hindi pera, tulad ng pagbili ng kailangan o pag-asikaso ng ibang bagay.
- Ipaliwanag na hindi dahil ayaw mo, kundi dahil may kailangan ka ring unahin sa ngayon.
Paano kung nauwi sa tampuhan o away?
- Bigyan muna ng oras para lumamig ang ulo ng lahat.
- Kapag kalmado na, ipaliwanag ulit nang mahinahon na hindi mo sila tinalikuran. Hindi mo lang kaya sa ngayon.
- Magpakita ng effort sa ibang paraan. Minsan, kailangan lang ng panahon para maintindihan ka nila.
Ang totoo, kapag humihingi ng pera sina Mama o Papa at wala tayong maibigay, talagang nakakabigat ng loob. Pero kung marunong tayong makipag-usap nang maayos, magiging mas magaan para sa lahat. At kung biglang may emergency na kailangang bayaran, pwede mo ring gamitin ang FINN para mag-advance ng sahod mo - hindi utang, sarili mong pera lang.