Hirap sa Pera? Pwedeng Dahil Ito sa Mga Ugali na Kaya Pang Baguhin
Kahit may stable na income, bakit parang laging kapos ang budget? Posible kayang hindi lang sahod ang problema? Sa article na ito, titingnan natin ang mga common financial habits na pwedeng tahimik na nakakaapekto sa finances mo.
Maraming tao ang nahihirapan i-manage ang pera nila kahit sila ay may regular na trabaho at stable na income. Pero alam mo ba? Hindi laging maliit na sweldo ang dahilan nito. Madalas, ang ugat ng problema ay unhealthy spending habits at kawalan ng financial planning. Kapag hindi ito naayos, pwedeng mauwi sa utang, stress, at mas mahirap na future planning.
Kaya mahalagang maintindihan natin kung ano ba talaga ang root cause ng kakulangan sa pera at kung paano babaguhin ang financial behavior natin. Kapag natuto kang mag-budget, mag-prioritize ng gastos, at magplano para sa future, mas magiging stable ang finances mo at mas madali kang makakaipon para sa security mo at ng pamilya mo.

Sa article na ito, tutulungan kayo ng FINN na maintindihan ang sumusunod:
- Bakit kinakapos ang budget kahit may stable na income?
- Anong mga spending habits ang pwedeng baguhin?
- Paano babaguhin ang habits na nagdudulot ng financial problems?
Bakit kinakapos ang budget kahit may stable na income?
Hindi lang mababang sahod ang dahilan kung bakit kapos sa pera ang isang tao. Kadalasan, ito ay dahil sa poor money management tulad ng:
- Living beyond your means o paggastos nang higit pa sa kaya
- Walang maayos na plano sa budget
- Walang ipon o savings
Kahit tumaas ang sahod mo, kung nag-i-inflate rin ang lifestyle mo, laging magiging short ang budget kahit na may pumapasok na pera kung hindi ma-address ang root cause ng problema.
Anong mga spending habits ang pwedeng baguhin?
Narito ang mga karaniwang ugali na nagdudulot ng financial problems:
- Overspending – Bili nang bili kahit hindi kailangan, madalas dahil sa sale, FOMO, o “deserve ko ’to” mindset. Hindi namamalayan, ubos na pala ang budget.
- Walang budget plan – Kapag walang malinaw na plano kung saan napupunta ang pera, madaling maubos ang sahod nang hindi mo alam kung saan napunta.
- Umaasa sa future income – Utang ngayon, bayad na lang sa next sahod. Paulit-ulit itong cycle hanggang sa nauubos na ang sweldo kahit kakapasok pa lang.
- Palaging may utang – Credit cards, online loans, at cash advances na may interest na patong-patong. Habang tumatagal, mas mahirap na itong habulin.
- Walang savings at emergency fund – Kapag may biglaang gastos tulad ng sakit o sira sa bahay, wala kang fallback kaya napipilitang mangutang.
- Walang financial discipline –Hiindi ina-adjust ang lifestyle kahit kapos na.

Paano babaguhin ang habits na nagdudulot ng financial problems?
Kung gusto mo nang ayusin ang financial situation mo, kailangan magsimula sa intentional na pagbabago. Ito ang mga pwedeng gawin:
- Mag-set ng realistic monthly budget: Maging honest ka sa sarili mo. Ano ang mga non-negotiable needs na kailangan bayaran? Ikaw lang ang makakagawa ng budget na totoo sa situation mo, hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo.
- Gawing automatic ang savings: Gawin mong priority ang savings imbis na magta-tabi lang kapag may natira. Unti-unti, nabubuo nito ang safety net na magliligtas sa’yo kapag may emergency.
- Maging mas maingat sa utang: Hindi lahat ng utang ay masama, pero delikado ang utang na walang malinaw na plan. Bago umutang, isipin hindi lang kung kaya mo ngayon, kundi kung kakayanin mo pa rin kahit may unexpected expenses. Ang utang ay responsibilidad, hindi extra cash.
- Ayusin ang reward mindset: Hindi lahat ng “deserve mo” ay kailangang bilhin agad. May tamang oras para mag-reward sa sarili. Tandan, ang totoong reward ay financial freedom at hindi ang patong-patong na utang.

Nagbago na ang lifestyle ko pero kulang pa rin ang pera. Anong gagawin?
Kung nagtitipid ka na, may budget na, may savings na, pero kulang pa rin, possible na kulang talaga ang income para sa essential expenses mo. Ito ang mga pwede mong gawin:
- Maghanap ng extra income (sideline, online work, part-time)
- I-review ang mga utang at unahin ang may mataas na interest
- Mag-invest sa skills para sa promotion o higher income in the future
Kailangan ng cash pero ayaw mong mangutang?
Pwede kang mag-apply ng salary advance sa FINN, isang financial wellness app na nagbibigay sa mga empleyado ng mas maagang access sa sariling sahod at flexibility sa paggastos. Pwede kang mag-advance ng hanggang ₱10,000 para hindi ka maipit sa mga biglaang bayarin.
Kasalukuyang available ang FINN app sa Google Play Store, at magiging available soon sa iOS. https://app.finn-app.com/landing-ph
SPECIAL OFFER!
Sagutan ang aming financial quiz sa https://forms.gle/VAognN1dosYVeph9A for a chance to win ₱150 credits! Exclusive ito sa mga FINN users na may active account.